Sunday, May 4, 2008

Mga katangian ng mga balita sa Channels 4, 9, at 13

· Introduksyon
Sa araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino, hindi nawawlan ng
mga balita. Mayroon tayong mga balitang nababasa, nakikita, at
napapakinngan. Ang mga balita sa mga pahayagan ay isang uri ng mga balitang
nababasa natin sa araw-araw. Nilalaman nito ang mga pangunahing balita ukol
sa mga pangyayari sa ating bansa.
Ang mga balitag naririnig natin sa radyo ay isang halimbawa ng
mga balitang naririnig. Ang mga balitang naririnig natin sa radyo
ay kadalasang may kasabay na “simulcast” mula sa kasaping television channel
ng mga radio stations. Ang mga balitang napapanood natin sa
telebisyon ay mga balitang inaabangan ng maraming mga Pilipino hindi
lang upang makakalap ng impormasyon kung hindi pati na rin bilang
libangan dahil sa ilang mga “segments” nito.
Ang mga balitang napapanood natin sa telebisyon ay maaaring
mapanood sa umaga, tanghali, at gabi. Ang mga balitang napapanood sa
umaga ay nagbibigay ng mga balitang nakasaad din sa pahayagan na tinatawag
na “headlines”. Ngunit hindi lang headlines ang ipinapakita tuwing umaga.
Mayroon ding ibinabalitang kalagayan ng trapiko upang mabigyan ng
impormasyon ang mga papasok sa paaralan at mga opisina upang hindi
masagabal ng trapiko. May mga balita ding ipinapahayag bawat oras upang
magbigay ng impormasyon sa mga pangyayaring naganap sa isang lugar. Ang
channel 2, 4, 7, 9 at 13 ay ang mga istasyon ng telebisyon na nag uulat ng mga
balita.
Sa mga inuulat na balita, hindi maiiwasan na magkaroon ng mga
reaksyon o “side comments” mula sa mga manonood. Ang mga
kadalasang reaksyon ng mga manonood ay tulad ng: ang balita ay
pinagdududahan na totoo, o kaya’y puro pulitika na lang ang nilalaman ng mga
balita natin ngayon, wala na bang iba?
Sa pananaliksik na ito, malalaman natin ang mga katangian ng mga
balitang inuulat at ipinapalabas sa mga telebisyon sa mga tahanan ng mga
Pilipino araw-araw
Balangkas

-Balita
-Pahayagan
-Radyo
-Telebisyon
-Sports
-Weather
-Headlines
-Traffic
-Entertainment
-Politics
-Finance
-Stock Exchange
-Innovations



Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito ay nagawa dahil sa tulong ng mga taong malapit at importante sa buhay niya; ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Naghanap ng mga impormasyon sa tulong ng libro at ang makabagong teknolohiya, ang internet. Dito siya nakakuha ng mga iba’t ibang impormasyon tungkol sa paksa. Nagtanong din sa mga kakilala at sa ibang tao na may kahit kaunting kaalaman tungkol sa paksa. Nakapanood din ng mga balita, hindi lang sa mga “channels na required” sa paksa kung hindi pati na rin sa ibang mga “channels” na may balita. Naging mahrap din sa mananaliksik ang paksa dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa paksa at sa mga “channel na required” sa paksa. Kaya binase na rin nila sa mga napapanood at nakikita nila ang ilang dokumento na inyong mababasa dito, ito ay hango sa tunay na buhay na kanilang nakikita sa araw-araw. Dahil din sa walang sawang pagtatanong-tanong sa mga taong nakaranas nito na dati ring mga tambay sa kalye pero biglang nagbago ng makakuha ng maayos at magandang trabaho at sa ngayon ay may maganda nang pamilya.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tumutukoy lamang sa mga katangian ng mga balita hindi sa mga pangunahing istasyon sa kasalukuyan kundi pati sa mga istasyon na nagbibigay ng balita na pag-aari ng gobyerno tulad ng NBN 4, RPN 9 at IBC 13. Ang pananaliksik na ito ay isinigawa sa pamamagitan ng pangangalap ng mga impormasyon at datos sa iba’t-ibang kategorya tulad ng mga pahayagan, magasin, panonood sa telebisyon, kompyuter o internet, at lalong-lalo na ang walang sawang pagtatanong sa mga taong may kaalaman ukol sa gagawing paksa. Sila ang magpapatunay na hindi lang ang mga pangunahing istasyon sa kasalukuyan ang nagpapahayag mg mga makabuluhang at may kalidad na balita ngunit pati na rin ang mga istsayon na pag-aari ng gobyerno tulad ng NBN, RPN at IBC. Ang pag-aaral ay isinagawa lamang ng mahigit dalawang linggo at siya ay gumugol sa paghahanap ng datos mula sa mga pahayagan sa internet at lalo na sa pinaka “source” nito, ang telebisyon.
Maaaring mabigyan rin ito ng mga solusyon at rekomendasyon sa tulong ng gobyerno na may-ari ng mga istasyong ito sa problema nila.


Katawan

Ang NBN 4 ay ang nag iisang government television station. Nagsimula
ito noong taong 1974 bilang GTV 4 ngunit napalitan ang pangsalan ni
to noong
1980 at ito’y tinawag na Maharlika Broadcasting System Pagkatapos ng
people power reolution, Napalitan ang pangalan nito bilang People’s Television
4 o mas kilala sa tawag na PTV 4. Ang PTV 4 ay naging isang government
network noong Marso 26, 1992 matapos lagdaan ni Pangulong Corazon Aquino
ang republic act 7306. Noong 2001, sa bagong pamamahala na itinalaga ni
Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo, Muling napalaitan ang pangalan ng PTV
bilang National Broadcasting Network o NBN 4. Ang slogan nito ay “One
People. One Nation. One Vision” bilang pagpapakita sa bagong imahe ng
istasyon at ng mga programa nito.

May mga news programs ang NBN 4 na ipinapalabas araw-araw. Una na
dito ang “One Morning” na simulcast sa RPN 9 at IBC 13. Ang mga iba pang
news programs sa NBN 4 ay ang mga sumusunod: batingaw, MalacaƱang Press
conference- Pinapakita rito ang mga nagaganap na press conference sa
MalacaƱang palace, Minuto- Ito ang news program na inuulat bawat oras upng
iulat ang pinakahuling kaganapan sa nakalipas na oras, money matters- ito ang
news program na tungkol sa mga pinansyal, sa merkado, ekonomiya at sa stock
exchange, TeleDyaryo- nagsimula ito noong 2001. May mga iba’t ibang
segments ito na ipinapalabas sa iba’t ibang oras. Ang TeleDyaryo ng bayan na
ipinapalabas tuwing umaga ay nag uulat ng mga headlines, TeleDyaryo sports
atbp. ay nag-uulat tungkol sa pampalakasan at ipinapalabas ito tuwing hapon,
ang TeleDyaryo Primetime ay parang isang recap na ipinapalabas tuwing gabi.

Ang Radio Philippines Network o RPN 9 ay tinaguriang flagship station
ng Philippine television network Radio Philippines Network (PTV - RPN). Isa
ito sa mga pinakamalaking television network noong panahon ni Pangulong
Ferdinand Marcos. Noong Disyembre 24, 2007, hinirang si Tonypet Albano
bilang chairman ng Radio Philippines Network (RPN 9). Pinalitan niya si Mona
Valisno, ang kasalukuyang Education Undersecretary ng. Noong Enero
1, 2008, naging pag aari ng solar entertainment ang RPN 9 at ang pumalit na
channel dito ay C/S o mas kilala sa tawag na Crime and Suspense.
Tulad ng NBN 4, ang RPN 9 ay may sariling news programs din. Ang
mga news programs nito ay ang One Morning, na simulcast din sa NBN 4 at
RPN 9. Ang primetime news program nito ay ang NewsWatch, First Edition-
inuulat dito ang mga balitang naganap sa buong araw. Ang NewsWatch Second
edition nito ay nagsilbing recap ng mga balita at pag uulat ng balia sa mga
nakalipas na oras. Ang news program na NewsWatch ay nag uulat din bawat
oras sa nasabing network. Dahil sa bagong pamamahala sa TV network,
nabawasan ang mga news programs nito.

Ang Intercontinental Broadcasting Corporation o mas kilala sa tawag
na IBC 13 ay nagsimula noong Pebrero 1, 1975. Si Roberto Benedicto ay ang
founder ng nasabing istasyon. Pagkatapos ng People Power Revolution sa
EDSA ay nagging pamamahala ng gobyerno ang IBC 13 kasama na ang mga
sister stations nito, ang RPN 9 at ang Banahaw Broadcasting Corporation.
Naging pag- aari na ang IBC 13 ng gobyerno noong 1993.

Tulad ng NBN 4 at RPN 9 na ka- kolaborasyon ng IBC 13, Ang news
program ng nasabing istasyon tuwing umaga ay ang One Morning. May mga
sariling news programs din ang IBC 13. Ang mga news programs na ito ay ang
mga sumusunod: IBC Express balita- ito ang news program ng IBC na nag-
uulat bawat oras upang ilahad ang mga pinakahuling kaganapan sa nakalipas na
oras, IBC headliners- ito ang news program na ipinapalabas tuwing primetime,
ito rin ang nagsisilbing pinaka- news program ng nasabing network, IBC news
Tonight- Ito ang news program na nagsisilbi bilang recap ng nasbaing istasyon
at nag-uulat ng mga balita sa nakalipas na oras.

Kongklusyon

Ukol sa napag-aralan, ang NBN 4, RPN 9 at IBC 13 ay pawing mga istasyon sa telebisyon na pag- aari ng gobyerno. Naging may-ari ang mga ito ng gobyerno noong panahon pagkatapos People Power Revolution sa EDSA noong dekada ’80. Sa simula ay nagpapalit-palit ito ng pangalan hanggang sa pangasalukuyang pangalan ng istsyon ngayon. Tulad ng NBN 4 ngayon, nagsimula ang NBN 4 bilang GTV 4, napalitan ito noong 1986 bilang People’s Television Network. Noong 1992 naman, muling napalitan an gang pangalalan nito bilang PTV 4 at di naglaon, noong 2001, nagging NBN 4 na ang tawag sa istasyon hanggang sa kasalukuyan. Ang mga balita ditto sa NBN 4 ay halos buong araw ang balitang pinapalabas sa istasyong ito, kung hindi lang dahil sa mga entertainment and sports programs nito.

Ang IBC 13 naman ay nagpalit rin ng pangalan noong 1989 hanggang 1992 bilang Islands TV 13, ngunit ito rin ay binalik bilang IBC 13 noong 1992. Ang mga news programs na ipinapalabas ditto ay may mga detalye sa mga balitang inuulat sa araw ng pag- uulat. Samantalang ang RPN 9 lamang ang istasyon na hindi nagpalit ng pangalan.

Ang RPN 9 ay isang istasyon na pag-aari ng gobyerno na hindi nag palit ng pangalan ngunit noong Enero 1, 2008 ay naging pamamahala ito ng solar entertainment at pinapalabas sa istasyon na ito ang mga palabas ng C/S o Crime and suspense. Dahil dito ay pang-umaga, oras-oras at 2 edisyon sa primetime ang mga news programs na ipinapalabas sa istasyong ito.

Rekomendasyon

Ang mga balitang nababalitaan natin ay di dapat baliwalain.

Kapag tayong mga Pilipino ay nanonood ng balita, huwag rin nating ikawalang

bahala ang ibang channels tulad ng RPN, NBN at IBC. Ang mga channels na ito

ay tagapag hatid din sa atin ng balita tulad ng ABS-CBN pati ng GMA. Huwag

rin nating baliwalain ang mga channels na ito hindi dahil sa pag- aari ito ng

gobyerno o kaya’y sa kalidad ng mga balitang inuulat dito, kung hindi ay bigyan

rin natin ng pansin ang mga katangian ng mga balitang inuulat dito. Kung

ikukumpara, may mga balitang mas kumpleto pa ang mga impormasyon na

nauulat dito kaysa sa mga pangunahing istasyon. Dapat rin ay magbigay ng

tulong ang gobyerno sa mga problema ng mga istasyong ito dahil nasa kanila

ang mga responsibilidad ng mga istasyong ito sa kadahilanang nasa kanila ang
pagmamay-ari ng mga istasyong nabanggit.


Bibliyograpiya

TV Stations:
NBN 4
RPN 9
IBC 13

Websites:
http://www.nbni.tv
http://en.wikipedia.org/wiki/National_Broadcasting_Network
http://www.rpn9.com
http://en.wikipedia.org/wiki/Radio_Philippines_Network
http://www.ibc.com.ph
http://en.wikipedia.org/wiki/Intercontinental_Broadcasting_Corporation

Pahayagan:

Manila Bulletin
Philippine Daily Inquirer
The Phillipine Star

No comments: